Ninakaw umano sa flood control area
Photo Courtesy: ACTF
Ni Rodolfo Idusora
Pinahinto’t dinala sa himpilan ng pulisya ang dalawang kalalakihan nang mapansin ang kahina-hinalang pagkarga ng isang air compressor mula sa flood control area malapit sa Temporary Shelter Gate 2.
Ayon sa report, nakalagay sa loob ng box culvert sa flood control area ang nasabing gamit.
Dumating naman sa lugar ang isang berdeng tricycle na minamaneho ni Alyas “Mario”, kasama ang 21-anyos na pasaherong si Alyas Charlie.
Ilang beses umanong inikot ng dalawa ang lugar bago tuluyang ikinarga sa tricycle ang air compressor. Dahil sa kahina-hinalang kilos ng dalawa, agad silang pinahinto at pansamantalang pinigil para sa beripikasyon.
Sa kanilang paliwanag, sinabi ni Omog na binili lamang niya ang air compressor sa halagang ₱2,500 mula sa isang taong hindi niya kilala.
Iginiit naman ni Beraquit na inarkila lamang siya ni Omog upang sunduin ang air compressor sa Peneyra Road.
Dinala naman ang dalawa sa himpilan ng pulisya upang alamin ang pinagmulan at pagmamay-ari ng nasabing kagamitan at isailalim sa kaukulang imbestigasyon.