Ni Albert Villamor Jr.
Kinokondena ng Republika ng Pilipinas ang mga inilabas na video at editorial cartoons ng China Daily, isang midya na pinatatakbo mismo ng bansang Tsina.
Isa sa mga inilabas na AI-generated videos ng China Daily na nakakuha ng mas malawak ng atensiyon ng puliko ay ang unggoy na nakasuot ng salakot at barong na sunud-sunuran sa dalawang braso na humahawak sa kanya.
Ang dalawang braso ay makikitang may mga tatak ng Japan at United States of America.
Sa video, kumakanta ang isang unggoy sa isang “karaoke stage” kung saan nagkamali siya diumano ng lyrics ng kanta.
“We attempt to bypass China and initiate the so-called maritime delimitation talks,” kanta ng unggoy.
Mali raw ang kinanta ng unggoy, dahil hindi ito ang “script” na binigay sa kanya. Tinapon tuloy siya ng United States of America at Japan sa ere papunta sa barko ng Chinese Coast Guard kung saan ang unggoy ay winater kanon (water cannon) nito.
“Wrong song! Stupid monkey! We gave you the other lyrics!,” na maririnig na sinigaw sa AI-generated video.
Bumagsak ang unggoy kasama ang mala-scroll na naglalaman ng ““South China Sea Arbitration Award” sa. Habang palutang-lutang, lumitaw ang isang balyena.
Ang kanta ng balyena habang kaharap ang unggoy: “More litter. That too. Let’s do our part to keep the ocean clean!”
Isa lamang ito sa mga patama ng bansang Tsina, dahil may mga editorial cartoons din ito na kumukwestiyon sa resulta ng 2016 South China Sea Arbitral Award na pabor sa Pilipinas.
Nitong Biyernes, Hulyo 17, opisyal ng naglabas ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng pagkondena sa naturang AI-generated video ng China Daily noong Hulyo 10, kasama ang iba pang editorial cartoons nito na kumukwestiyon sa 2016 South China Sea Arbitral Award.
Hinihiling ng DFA na tanggalin na ang mga ito ng Tsina.
“The Philippines has consistently rejected false narratives and distortions regarding the Arbitral Award and the Philippines’ lawful positions in the South China Sea. But we draw a firm line at the depiction of Filipinos as monkeys in the 10 July 2026 video, which is deeply offensive, distressing and unacceptable,” ayon sa DFA.
Una raw nagpahayag ang Pilipinas ng kanilang pagtutol sa mga nilalabas ng China Daily noong Hulyo 16, sa pamamagitan ni Foreign Affairs Undersecretary Leo Herrera-Lim nang makipag-usap siya kay Chinese Ambassador Jing Quan nang harapan. Humiling si Herrera-Lim na ang mga naturang content ay tanggalin na.
Nagpadala na rin ng diplomatic protest ang DFA kontra sa mga video at editorial cartoon ng China Daily. Ang nilalabas daw ng China Daily, ayon sa DFA, ay “demeaning” at “racist” sa mga Pilipino.
Nagpahayag na rin ng pag-alma sina Senate President Sherwin Gatchalian, Sen. Robinhood Padilla, Sen. Francis Pangilinan, at Sen. Juan Miguel Zubiri, ukol sa mga inilalabas ng China Daily.