October 1, 2026

Ano ang dapat gawin ng publiko pagkatapos makumpirma ang kaso ng ASF sa Agutaya?

0
FB_IMG_1790774548303

Ni Albert Villamor Jr.

Naglabas ng abiso ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan para sa mga Palaweño, matapos makumpirma na may African Swine Fever (ASF) na isang sakit ng baboy sa Barangay Concepcion, Agutaya.

Hindi nakakapinsala ang ASF sa tao, ayon sa ayon sa Pamahalaang Panlalawigan sa inilabas nitong pahayag, Set. 25.

“Hinihikayat namin ang publiko na manatiling kalmado. Ang ASF ay sakit na nakakaapekto sa mga baboy at hindi nakahahawa sa tao. Gayunman, maaaring maipasa ng tao ang virus sa pamamagitan ng kontaminadong produktong karne ng baboy, kagamitan, sasakyan, o sapatos. Kaya naman, hinihiling ang mahigpit na pagsunod sa mga patakaran sa quaratine at pakikiisa sa mga tauhan sa checkpoint, lalo na sa pagpasok at paglabas sa bayan ng Agutaya.”

Sinigurado rin ng pamahalaan na may aksyon ang mga awtoridad sa sitwasyon.

“Patuloy na kumikilos ang mga awtoridad upang makontrol ang pagkalat ng ASF, ngunit mahalaga ang pakikiisa ng bawat isa upang hindi na ito kumalat sa iba pang lugar,” ayon sa pahayag.

“Manatiling kaldamado, sumunod sa mga patakaran sa quarantine at checkpoint, at agad na iulat ang anumang pinaghihinalaang kaso ng ASF,” dagdag pa nito.

Ano ang dapat gawin ng mga nag-aalaga ng baboy?

“Samantala, ang mga nag-aalaga ng baboy ay kinakailangang agad na mag-ulat sa Municipal Agriculture Office o Provincial Veterenary Office kung may mapansing kakaibang pagkakasakit o biglaang pagkamatay ng kanilang mga alagang baboy. Huwag ilipat, ibenta, o katayin ang mga baboy na may sakit o pinaghihinalaang may ASF. Huwag ding ipamahagi ang karne ang mga ito o itapon ang mga namatay na baboy nang walang kaukulang gabay mula sa mga awtoridad sa Provincial Veterenary Office,” ayon sa pamahalaan.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *