September 5, 2026

Krimen sa MIMAROPA, bumaba ng 11.3 porsyento

0
FB_IMG_1788564452461

Photo Courtesy: Repetek

Ni Samuel Macmac

Inanunsyo ng PRO MIMAROPA sa ilalim ng pamumuno ni PBGEN Christopher R. Dela Cruza, Regional Director, ang pagbaba ng krimen sa rehiyon kasabay ng pagbubukas ng National Crime Prevention Week.

Batay sa tala, umabot sa 1, 672 kaso ng krimen ang naitala ngayong taon, mas mababa ng 213 kumpara sa 1,885 kaso noong 2025. Kaugnay nito, bumaba rin ang datos ng mga insidenteng nakakaapekto sa kapayapaan at kaayusan, mula 1,234 tungo sa 1,003 kaso, o katumbas ng 18.72 porsyento.

Naitala ang pinakamalaking pagbaba sa Focus Crimes na bumaba ng 24.77 porysyento, mula 323 tungo sa 243 insidente. Sa breakdown, theft ang may pinakamalaking pagbaba na 41.77 porsyento, sinundan ng rape (30.19%), murder (18.52%), roberry (16.67%), physical injury (15.63%, at motornapping sa parehong panahon.

Patuloy naman palalakasin ang police visibility, intellligence-led operations, at pakikipag-ugnayan sa mga komunidad. Hinikayat din ang publiko na iulat sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang higit pang mapalakas ang seguridad sa rehiyon.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *