September 5, 2026

Bignay o Bugnay, ano ang mapapala mula sa viral na prutas na ito?

0
FB_IMG_1788583398977

Photo Courtesy: Pedrography

Ni Albert Villamor Jr.

Nu’ng kamakailan lang, nag-viral ang mga video tungkol sa “Bignay o Bugnay” na prutas sa Palawan. Makikita kasi ito sa Balayong People’s Park. Nakapagtala o nakakuha ng lampas sa isang milyong views ang mga content tungkol sa “Bignay o Bugnay”.

Ang “Bignay o Bugnay” ay tinatawag ding wild cherry, currant tree, o mamao dong. Ang scientific name nito ay “Antidesma bunius”.

Maraming benepisyo ang makukuha sa pagkain ng Bignay o Bugnay. Mayroon itong Vitamic C, para sa pagpapalakas ng immune system; Vitamin A, para sa malusog na paggana ng iyong mga nilalamang organ, Calcium para sa matibay na buto; Iron, na nagpapaunlad sa protein hemoglobin para sa pagdaloy ng oxygen sa iyong ugat o bloodstream. May handog din itong anthocyanins na mayroong mga mala-antioxidant na property para kontrahin ang mga free-radicals na maaring makapagdulot sa iyo ng sakit.

Sa Pilipinas, pinanggagamot din ang Bignay o Bugnay sa mga sintomas na may kaugnayan sa anemia, sakit sa puso, gastric intestinal upsets o pananakit ng tiyan, at mga senyales ng diabetes. Ginagamit din ito kontra sa lason na dala ng kagat ng ahas, pampurga, panglaban sa mga peste, mampadumi, at pampapayat.

Ang Bignay o Bugnay ay ginawang salad, syrup, jelly, sauce, at wine. Masarap din daw kainin ang katas o sauce nito sa isda, sa pampalasa ng kanin, salad, sa mga lutong gulay, at meat stew o sinabawang karne. Ginagawa din daw ang dahon nitong tsaa sa Thailand, Singapore, at Pilipinas.

Namumunga ang puno ng Bignay o Bugnay mula Abril hanggang Setyembre sa Pilipinas, pero sa ibang bansa ay iba naman ang panahon ng pamumunga nito.

Lumalaki ang puno ng Bignay o Bugnay ng hanggang 8 metro.
Pero habang ligtas ang pagkain ng Bignay o Bugnay, may mga possible rin itong negatibong epekto sa tao. Ilan dito ang diarrhea o sobrang pagdumi, acid reflux, pananakit ng tiyan, pagsusuka, pagkawala ng gana sa pagkain, at heartburn.

Lagi lang na tandaan na ang bunga ng puno ng Bignay o Bugnay ay kulay berde o yellow-green, makinis, payat, at matigas kapag hindi pa hinog; pero kapag ito ay hinog na, nagiging makintab na ito at mala-itim ang kulay. Hindi rin sabay-sabay na nahihinog ang mga berries ng puno, kaya iba-iba ang kulay ng mga berries.

Lagi lang tandaan na may mga tanim ng Bignay o Bugnay sa Balayong’s People Park.

Salamat sa Research gate; tropical.theferns.info; hellodoctor; Tuckerbush, sa mga impormasyon sa artikulong ito.

Ngayon alam mo na! Apir! 🙂

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *