Cuyo, Agutaya, Magsaysay, may libreng 10-kilong bigas
Photo Courtesy: Repetek
Ni via Albert Villamor Jr.
Nakatanggap ng tag-10 kilong bigas ang mga munisipyo ng Cuyo, Agutaya at Magsaysay, Palawan.
Bahagi ito ng “Bawat Bayan Makikinabang” Rice Distribution Program ng gobyerno, na pinondohan ng Local Government Support Fund (LGSF).
Ang LGSF ay naglalayong palakasin ang mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagpondo sa kanilang mga prayoridad na programa at proyekto: Finance Assistance sa Local Government Units, Suporta sa mga Barangay Development Program, Growth Equity Fund, at Participatory Budgeting and Green Programs.
Pinangunahan ni Gov. Amy Alvarez ang distribusyon ng bigas, kasama ang mga board members na sina Juan Antonio Alvarez; Roseller Pineda; Ferdinand Zaballa; at Jake Tan.