August 11, 2026
FB_IMG_1786368394200

Photo Courtesy: Anthony Baisa ‎

Ni Ferds Cuario

Nasungkit ni Brice Vincent Baisa (BVB) ang kampeonato sa USTA (United States Tennis Association) 18 & Under Singles Championship matapos ang matinding three-set comeback victory sa finals na ginanap sa Naperville, Illinois, United States.

‎Nagpakita ng tibay ng loob si Baisa sa buong torneo, lalo na sa quarterfinals kung saan nabawi niya ang 2-4 na pagkakaiwan sa unang set. Mula rito ay nagtala siya ng apat na sunod na laro upang angkinin ang unang set, 6-4, bago tuluyang dominahin ang ikalawang set, 6-2, para umabante sa semifinals.

‎Sa semifinal match, hindi na pinatagal ni Baisa ang laban matapos manaig sa straight sets, 6-2 at 6-3, upang makapasok sa championship match.

‎Sa finals, umabot ng mahigit dalawang oras ang bakbakan. Matapos maitabla ang unang set sa 6-6, natalo si Baisa sa tiebreak, 6(3)-7.

‎Hindi rin naging madali ang ikalawang set nang maagap na umabante ang kanyang kalaban, 2-0. Naitabla niya ang laban sa pamamagitan ng 6-2 panalo sa ikalawang set.

‎Sa deciding 10-point super tiebreak, ipinakita ni Baisa ang kanyang composure at mental toughness upang manaig, 10-6, at tuluyang masungkit ang kampeonato.

‎Matapos ang tagumpay sa Naperville USA, nakatakdang sumabak si Baisa sa isa pang torneo sa Wisconsin sa susunod na linggo, kung saan target niyang makabawi matapos magtapos bilang runner-up sa naturang kompetisyon dalawang linggo na ang nakalipas.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *