September 1, 2026
FB_IMG_1788178192314

Ni Albert Villamor Jr.

Hinihiling ni Board Member Ryan D. Maminta ang pamunuan ng Palawan State University (PSU) na magkaroon ng kursong Bachelor of Science in Geology sa pamantasan.

Kinakatok niya ang pamunuan ng PSU sa pamumuno ni Venzon L. Limpiada at ang Governing Board nito.

Ayon kay Maminta, ang tumataas daw na pangangailangan sa mga skilled geologist sa mga sektor kagaya ng mining, environmental conservation, natural resource management, at disaster risk reduction, ay malinaw na nananawagan ng isang paaralan na mag-o-offer ng BS Geology.

“The establishment of a Bachelor of Science in Geography program in Palawan State University (PSU) would provide students with the opportunity to pursue specialized education and training in geology, enabling them to contribute effectively to the exploration, conservation, and management of the province’s geological resources,” ayon din kay Maminta.

Ang pagkakaroon din daw ng BS Geology sa PSU ay makatutulong sa pag-retain ng mga lokal na talento, pagpapababa sa pangangailan ng mga mag-aaral na lumabas ng Palawan para mag-aral, at maglilinang sa lokal na kahusayan sa geology.

“The Province of Palawan is rich in natural resources, including mineral deposits, which require proper management and utilization to contribute to sustainable development and economic growth,” ayon din sa isang resolusyon na may kinalaman sa kahilingan ni Maminta na aprubado ng kanyang mga kasamahan sa Sangguniang Panlalawigan ng Palawan.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *