August 21, 2026
FB_IMG_1785632475714

Photo Courtesy: PalPPO

Ni Samuel Macmac

Himas-rehas ngayon ang isang construction worker na kinilala sa alyas “Caloy” matapos maaresto sa ikinasang buy-bust operation sa Bgy. Pulot Center, Sofronio Española.

Pinangunahan ng Sofronio Española Municipal Police Station (MPS) ang isinagawang operasyon laban sa isang bagong tukoy na drug personality na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na si alyas “Calyo”, 38-anyos, may asawa at construction worker.

Nahuli ang suspek matapos magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa isang poseur-buyer kapalit ng P1,000 marked money. Sa isinagawang body search, narekober pa ang dalawang karagdagang sachet ng shabu, isang pink Nokia cellphone, at ang marked money.

Ayon sa pulisya, umabot sa kabuuang 4.24 gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska na may tinatayang Standard Drug Price (SDP) na P28,832.

Naging matagumpay ang buy-bust operation sa pangunguna ni PLT John David R. Acob, Officer-in-Charge ng Sofronio Española MPS, katuwang ang Palawan Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), 1st Palawan Provincial Mobile Force Company (PMFC), Palawan Provincial Intelligence Unit (PIU), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-MIMAROPA).

Sa kasalukuyan, inihahanda na ang kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 laban sa suspek para sa inquest proceedings sa prosecutor’s office.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *