Photo Courtesy: PalPPO
Ni Samuel Macmac
Kulong ang isang 45-anyos na lalaki na kabilang sa Street-Level Individuals (LSI) matapos masakote sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Balaguen, Magsaysay, Palawan nitong Hulyo 18.
Natimbog ng Provincial Police Office (PalPPO), ang suspek na kinilala sa alyas “Drew” sa isinagawang operasyon na pinangunahan ng Magsaysay Municipal Police Station (MPS)-MDET bandang 8:40 ng gabi.
narekober mula sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 1.67 gramo at tinatayang halagang P11,356. Kasama rin sa nakumpiska ang marked money na P1,500, isang Nokia cellphone, lighter, karagdagang pera, at motorsiklong Honda XRM 125.
Isusumite sa Palawan Provincial Forensic Unit ang nakumpiskang droga para sa pagsusuri. Samantala, inihahanda naman ang kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Comprehensive Dangerous Act laban sa suspek na isasampa sa Office of the Provincial Prosecutor.