November 23, 2026

Prov’l Agri: sapat na produksyon ng pagkain ngayong Super El Niño

0
FB_IMG_1795227875743

Photo Courtesy: Repetek

Ni Albert Villamor Jr.

Sinisugurado na may sapat na produksyon ng pagkain sa Palawan, habang nasa ilalim ng probinsiya ng super El Niño phenomenon.

Ayon kay Rodel Cabintoy, Senior Agriculturist, Provincial Agriculture’s Office, may tulong na na mula sa Pamahalaang Panlalawigan sa mga cooperatives at patuloy ang mga estratehiyang isinasagawa para sa pagharap sa weather phenomenon.

“Nag-design na po tayo ng mga estratehiya para magtuluy-tuloy po iyong produksyon ng pagkain. We can bring food on the table,” ani ni Cabintoy.

Ilan sa mga sektor na may mga isinasagawang estratehiya na ang pangisdaan at sakahan.

Kinumpirma rin ni Cabintoy na may ‘buffer stock’ ang rice o bigas.
Ayon din sa kanya, kinukumpirma na rin ngayon ang ulat na may pinsala na nang naidulot ang Super El Niño sa Palawan.

“So far wala pang reported, wala pang ganu’ng kalalim na laki when it terms of damage,” sabi niya.

Patuloy ang pagmo-monitor ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa epekto ng Super El Niño sa Palawan.

Pagpasok pa lang ng 2026 ay pinaghahandaan na ang naturang phenomenon, ayon kay Cabintoy.

Kahit pa may Super El Niño, samantala, may mararanasan pa rin na tag-ulan dahil kumukuha ang Palawan ng ‘moisture’ mula sa Indian Ocean, ayon pa rin sa kanya.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *