Isasakatuparan para sa irigasyon
Ni Albert Villamor Jr.
Noong Agosto 4, isinapubliko ni Board Member Ariston Arzaga ang mga depektibo o sirang mga irrigation facilities sa Palawan, at ang mga asosasyon at mga proyektong pang-irigasyon na kailangan ng tulong ng pamahalaan para maging epektibo.
Sa rehabilitasyon at restorasyon ng mga pasilidad o proyektong pang-irigasyon, makatutulong ito sa kabuhayan ng mga magsasaka, ayon kay Arzaga.
Pinanawagan niya ang National Irrigation Administration (NIA) na iprayoridad at lagyan ng pondo ang mga sirang irrigation facilities sa Palawan.
Anu-ano ang mga sirang pasilidad pang-irigasyon sa Palawan, mga asosasyon pang-agrikultura, at proyektong iminungkahing maisakatuparan?
Ang Babangon Irrigation System sa Barangay Pangobililian, Brooke’s Point.
Ang Pangobilian Irrigation Association, Barangay Pangobilian, Brooke’s Point.
Ang Irrigation System, Barangay Mambalot, Brooke’s Point. Ang Panitian Irrigation System, Sofronio, Española.
Ang Malalong-Binasbas irrigators services.
Ang Asosasyon ng Samahang irrigators ng Pulot communal system.
Ang Assosasyon: Panisiran, Upper Panisiran, and Iraray.
Ang Dalawang unit ng solar-powered irrigation sa Panitian, Sofronio Española.
Ang Isang unit ng solar-powered irrigation sa Bagong Sikat, Narra.
Ang Sabsaban Irrigation Facility sa Maasin, Brooke’s Point.
Ang Tamlang communal irrigation system.
Ang Bonobono irrigation facility, Bataraza, Palawan.
Ang Malihud, Bataraza, na nangangailangan ng expansion ng irrigation canal.
Ang Bulalacao, Bataraza, na nangangailangan din ng expansion ng irrigation canal.
Ang mga minumungkahing mga proyektong solar.
Ang Rizal, Quezon, Balabac, kung saan kailangan magsagawa ng assessment o pag-aaral sa pagsasa-ayos.
“Akin pong pinapanawagan ang tanggapan ng National Irrigation Administration na sana ma-priority at mabigyan ng sapat na pondo ang mga sirang irrigation facilities sa lalawigan. Karamihan po dito ay paulit ulit na nating pinanukala. Pero kalian pa po kaya magtitiis ang ating mga magsasaka na mas pinahihirap ng taas ng agri inputs, abono, fuel at langis, at iba pang gastusin sa bukid,” ayon kay Arzaga.
“If the government is sincere and true enough for the sake of our farmers na makamit and sufficiency at food security, sana naman itong mga kahilingan ng ating magsasaka na maiayos and kanilang mga irrigation facilities ay matugunan sa medaling hinaharap at hindi na umabot ng 13 years pa katulad na lang ng pag-buo at ayos ng Ibato-Iraan Small Reservoir Irrigation Project (SRIP),” dagdag pa niya.