October 2, 2026

Kaalaman at kabutihan ng mga kabataang Palaweño sa Linggo ng Kabataan 2026

0
FB_IMG_1788881052337

Photo Courtesy: Repetek

Ni Albert Villamor Jr.

Kabutihan at kapakanan ng mga kabataang Palaweno ang ninais na makamit ng Linggo ng Kabataan 2026 sa mga dumalo sa pagdiriwang, Agosto 24–25, 2026, PGP Convention Center, Provincial Capitol, Puerto Princesa City.

Dinaluhan ang Linggo ng Kabataan 2026 ng 150 na kabataang Palaweño. Ito ay may temang “Different Contexts, Common Aspirations”.

Kabilang sa mga tinalakay sa dalawang araw na talakayan at gawain ang “The Bridging Concept of the West Philippine Sea”, “Beyond the Stress: Navigating Life’s Challenges with Strength and Resilience”, at “CARE for Me: Building Healthy Habits for Mind and Well-Being”.

Nakapaloob sa leksyon ang mga usapin sa West Philippine Sea, pagiging matatag, mental health, at pagkakaroon ng malusog na pamumuhay.

Nagkaroon din ng ang Cheers and Yells Competition, Zumba Competition, Fashion Show Competition, at Miss Q&A sa pagtitipon-tipon.

Nais nitong ipakita ang talento ng mga kabataan, pagkamalikhain, at ang kanilang pagiging isa sa layunin. Nagpasalamat si Gob. Amy R. Alvarez sa mga dumalo sa pagdiriwang.

“Thank you sa inyong lahat. I truly appreciate your efforts and dedicated service to your respective municipalities and barangays. Patuloy kayong maglingkod para sa kapakanan ng kabataan at kaunlaran ng Palawan,” sabi ni Gob. Alvarez.

Ang aktibidad ay pinangasiwaan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamamagitan ng Youth Development Program nito, katulong ang Sangguniang Kabataan (SK) Federation Office sa pangunguna ni Hon. Luzviminda L. Bautista, Provincial SK Federation President.

Dumalo rin sa pagdiriwang ang ilang mga board members ng Palawan katulad nina Juan Antonio Alvarez, Al-Nashier Ibba, Ferdinand Zaballa, at Rafael Ortega Jr.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *