Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Metro Puerto
  • Kawatan ng kable, timbog
  • Metro Puerto
  • Police Report

Kawatan ng kable, timbog

Repetek News

January 30, 2025 2 minutes read
Kawatan ng kable, timbog

Photo courtesy | PPCPO

HIMAS-REHAS ngayon ang mga suspek sa pagnanakaw ng mga kable ng kuryente mula sa mga street lights sa Viet Ville ng Barangay Sta. Lourdes, madaling araw ng ika-29 ng Enero, taong kasalukuyan.

Batay sa police report, isang security guard ng Viet Ville ang nakapansin sa kakaibang ingay mula sa isang poste ng street lights sa harap ng establisyemento. Nang suriin niya ito, nakita niya ang tatlong indibidwal na humihila ng mga kable mula sa poste.

Dahil dito, agad itong ipinagbigay-alam ng guwardiya sa mga barangay tanod ng Sta. Lourdes na mabilis namang rumesponde.

Nang malapit ng matapos ang pagputol sa mga kable, kumaripas naman ng takbo ang mga suspek sa iba’t ibang direksyon nang mapansin nilang papalapit na ang mga tanod.

Naunang nadakip ang isa sa mga suspek na kinilalang si alyas “Win”, 30-taong gulang, mangingisda at residente ng Brgy. Sta. Lourdes ng lungsod na kung saan narekober sa kanya ang humigit-kumulang 12 metro ng mga kable ng kuryente na kulay pula, berde, at itim.

Nakatakas naman ang dalawa pa niyang kasamahan na sina alyas “Koko” at “Gibgib” subalit pinursige ng intel operatives mula sa Police Station 2 ang pagkakatimbog sa mga ito matapos magsagawa ng follow-up operation.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang mga nahuling suspek para sa tamang disposisyon.

Ipinangako naman ni Police Colonel Cornelio C. Tadena Jr, City Director, na hindi palalampasin ang mga ganitong uri ng krimen sa lungsod ng Puerto Princesa at hinikayat ang mga residente na manatiling alerto at i-report ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa kanilang lugar.

Author

  • Repetek News

    View all posts

About the Author

Repetek News

Administrator

View All Posts

Post navigation

Previous: 3 sa 10 pamilyang Pilipino, nakararanas ng kakulangan sa pagkain
Next: Pangkalusugan program, handog para sa mga coconut farmers

Related News

KRITIKAL SA ROAD CRASH
  • Metro Puerto
  • Police Report

KRITIKAL SA ROAD CRASH

Repetek News

July 7, 2026 0
1783420619185
  • Palawan Affairs
  • Police Report

ALYAS “MINMIN”, 3 COUNTS NG RAPE ANG KAHAHARAPIN

Repetek News

July 7, 2026 0
1783425680666
  • Palawan Affairs
  • Police Report
  • Regional News

MANGINGISDA MULA OCCMIN, HULI SA SAN VICENTE

Repetek News

July 7, 2026 0

Recent Posts

  • KRITIKAL SA ROAD CRASH
  • ALYAS “MINMIN”, 3 COUNTS NG RAPE ANG KAHAHARAPIN
  • MANGINGISDA MULA OCCMIN, HULI SA SAN VICENTE
  • Locally extinct na Philippine Deer, muling nasilayan
  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • KRITIKAL SA ROAD CRASH
  • ALYAS “MINMIN”, 3 COUNTS NG RAPE ANG KAHAHARAPIN
  • MANGINGISDA MULA OCCMIN, HULI SA SAN VICENTE
  • Locally extinct na Philippine Deer, muling nasilayan
  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

You may have missed

KRITIKAL SA ROAD CRASH
  • Metro Puerto
  • Police Report

KRITIKAL SA ROAD CRASH

Repetek News

July 7, 2026 0
1783420619185
  • Palawan Affairs
  • Police Report

ALYAS “MINMIN”, 3 COUNTS NG RAPE ANG KAHAHARAPIN

Repetek News

July 7, 2026 0
1783425680666
  • Palawan Affairs
  • Police Report
  • Regional News

MANGINGISDA MULA OCCMIN, HULI SA SAN VICENTE

Repetek News

July 7, 2026 0
Copy of Copy of REPETEK NOVEMBER 2024 (1)
  • Community
  • Environment & Tourism
  • Headlines
  • Regional News

Locally extinct na Philippine Deer, muling nasilayan

Repetek News

March 22, 2026
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.