Ligtas at mahusay na rescue op sa Palawan
Photo Courtesy: Repetek
Ni Albert Villamor Jr.
Pinangasiwaan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang “Mountain Search and Rescue Training” sa Barangay Bacungan, Puerto Princesa City, Setyembre 28 haggang Oktubre 2, taong kasalukuyan.
Dinaluhan ang limang-araw na training ng Community Defense Auxiliary Group (CDAG) Volunteers, kawani ng Provincial Government Security Services (PGSS), PDRRMO-Seacraft, at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).
Natutunan ng mga lumahok ang tamang paggamit ng mga kagamitang pang-rescue, pagbibigay ng paunang-lunas sa bali at sugat, at ang tamang pamamaraan sa pag-akyat at pagbaba sa mataas na lugar sa pagsasagawa ng rescue operations.
Ang aktibidad ay pagpapalakas ng kahandaan ng emergency response sa Palawan sa mga kabundukan at mga lugar na mahirap marating.
Sumasalamin ang aktibidad sa hangarin ni Gov. Amy Alvarez na mas mainam na disaster response capability sa Palawan.