October 7, 2026
FB_IMG_1791379597281

Photo courtesy: Alwin Umali

Ni Rodolfo Idusora

Giniba ng City Anti-Squatting Unit ang mga illegal extension sa mga unit ng Temporary Shelter sa Peneyra Road, Barangay San Pedro, Puerto Princesa City, sa isinagawang clearing operation ngayong araw Oktubre 7, 2026.

Target ng operasyon ang mga dagdag na istruktura na itinayo sa labas ng itinakdang lawak ng mga temporary shelter.

Ikinasa ang clearing operation upang alisin ang mga ilegal na extension at ibalik sa itinakdang ayos ang mga unit sa lugar.

Kabilang sa inalis ang mga istrukturang nakadagdag sa mga unit at ginagamit bilang karagdagang espasyo ng mga nakatira.

Ayon sa mga City Anti-Squatting, hindi pinahihintulutan ang pagpapalawak o pagdaragdag ng mga istruktura sa mga unit nang walang kaukulang pahintulot.

Ang operasyon ay bahagi ng pagpapatupad ng mga alituntunin sa temporary shelter at pagpapanatili ng kaayusan sa lugar.

Patuloy namang binabantayan ng City Anti-Squatting Unit ang bawat unit upang maiwasan ang muling pagtatayo ng mga illegal extension.

Pinapaalalahanan ang mga nakatira na sumunod sa mga itinakdang alituntunin at huwag magdagdag ng istruktura nang walang pahintulot mula sa kinauukulang ahensya.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *