August 28, 2026
FB_IMG_1787810335888

Editor’s Note: “Blurred” ang larawan ng mga sangkot at iba pa alinsunod sa probisyon ng Data Privacy Act. (Photo courtesy: ACTF)

Ni Rodolfo Idusora

Kinasangkutan ng mga grupo ng menor de edad ang dalawang magkahiwalay na gulo sa Lungsod ng Puerto Princesa nitong Miyerkules, Agosto 26.

Namataan ng mga tauhan ng isang malaking shopping mall sa Malvar Street ang ilang kabataan na nakapaligid sa isang binatilyong estudyante ng Puerto Princesa National Science High School na balak umanong pag-trip-an.

Agad nilapitan ng mga tauhan ang grupo ngunit nagsipulasan ang mga ito. Na-hold at kinausap ang 11-anyos na estudyanteng kinilalang si alyas “Cian”. Itinuro niya ang kanyang mga kasamahang sina John Rex, Rizen, at alyas “Potpot.”

Na-hold din ng Anti-Crime Task Force personnel ang 12-anyos na si Aron at kasama nitong si Chad Kian na sangkot din umano sa insidente. Nakipagtulungan naman ang mga bata sa pagtukoy sa iba pa nilang kasamahan.

Pinayuhan sila ng mga tauhan na umiwas sa gulo at huwag nang sumama na maaaring makapahamak sa kanilang sarili o ibang tao. Sinuri rin ang kanilang mga bag ngunit walang nakitang mapanganib na bagay.

Samantala, isang hiwalay na insidente nang umano’y pambubugbog sa isang menor de edad na babae ang ini-report sa Barangay Matahimik.

Ayon sa biktimang si Nicole Perez, mag-aaral ng San Miguel National High School, hinila umano siya ng dalawang babae mula sa SM City Mall patungo sa gilid ng isang gasoline station, kung saan umano siya binugbog ng kanyang mga kapwa estudyante.

Nakuha rin ng mga tauhan ang school ID na naiwan umano sa lugar at nakapangalan sa isang menor de edad na estudyante na tinukoy bilang suspek.

Nakipag-ugnayan ang security team sa pamunuan ng San Miguel National High School para beripikahin ang mga sangkot. Kalaunan, dinala ang biktima at school ID sa Police Station 1 para sa blotter at karagdagang imbestigasyon.

Pinaalalahanan naman ang mga kabataan na umiwas sa gulo.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *