November 8, 2026
FB_IMG_1794098557762

Ni Albert Villamor Jr.

Inaanyayahan ni Mayor Lucilo R. Bayron ang mga dumalo ng opisyal na pagsisimula ng Subaraw Biodiversity Festival 2026 na pumunta sa bayan ng Puerto Princesa City para sa selebrasyon.

“Inaanyayahan ko kayo na personal [na] pumunta kayo sa bayan. Manood kayo, makiisa kayo dahil alam po ninyo [kung] kayo nagpaparada [r]iyan na walang nanonood parang tinatamad kayo para lang kayong naglalakad lang diyan. Pero kung maraming nanonood ang parada n’yo, medyo inaayos ninyo,” ani Bayron sa kanyang mensahe sa opisyal na pagsisimula ng Subaraw Biodiversity Festival 2026 na ginanap sa Sitio Sabang, Bgy. Cabayugan, Nob. 5.

“Mahalaga na manonood tayo. Inaanyayahan ko kayo punta kayo sa bayan. Sumali tayo sa pamamagitan ng panonood ng mga event doon para mapalaki natin itong Subaraw Biodiversity Festival,” ayon din sa kanya.

Ang Subaraw Biodiversity Festival ay isang “major” na ganap sa Puerto Princesa City sa pagdiriwang ng pagiging isa sa ‘New 7 Wonders of Nature’ ng Puerto Princesa Underground River noong 2011; kasama na ang makapagpapasok ng turismo, at pangangalaga sa mga yamang-buhay.

Sa parehong mensahe, sinabi rin ng Alcalde na dapat proteksyunan ng lahat ang kalikasan; hindi kaya kung gobyerno lamang ang kikilos para sa pangangalaga ng kalikasan. Ito ay responsibilidad ng lahat.

Magkakaroon ng grand-opening ang Subaraw Biodiversity Festival 2026 sa Puerto Princesa City, sa Nob. 7 sa Edward S. Hagedorn Coliseum.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *