Nasakote sa Taytay sa kasong panggagahasa
Photo Courtesy: PalPPO
Ni Samuel Macmac
Naaresto ng mga awtoridad sa nabanggit na bayan ang ikaanim sa listahan ng most wanted sa Palawan matapos ang matagumpay na operasyon ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan.
Ikinasa ang opeasyon sa Purok 1 ng Brgy. Alacalian na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas “Meo,” 70-taong gulang at residente ng n sabing barangay.
Ang pagkakadakip ay pinangunahan ng Dumaran Municipal Police Station (MPS) sa pamumuno ni PLT Ramon E. Aguirre Jr., katuwang ang 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), 1st PMFC, Provincial Intelligence Unit (PIU), at Provincial Investigation and Detection Management Unit nitong Agosto 11.
Nahuli si Meo sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Emmanuel Quial Artazo ng Family Court, Branch 14, Taytay, Palawan, kaugnay ng paglabag sa Article 266-A ng Revised Penal Code (Rape).
Kaugnay nito, walang inirekomenda ang korte na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado. Samantala, pansamantalang nasa kustodiya ng Dumaran MPS ang suspek habang inihahanda ang tunover sa korte.