Photo:
Repetek News
Ni Albert Villamor Jr.
Inaprubahan noong Hulyo 7 ang Provincial Ordinance No. 072-26, o ang “Provincial TB (Tuberculosis) Elimination Ordinance of Palawan,” na nagtatatag ng bagong ordinansa laban sa tuberculosis (TB) sa lalawigan.
Ito ay inakdaan ni Board Member Marivic Roxas, naaprubado ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan.
Ina-adopt ng ordinansa ang Republic Act No. 10767 o ang “An Act Establishing a Comprehensive Philippine Plan of Action to Eliminate Tuberculosis as a Public Health Problem and Appropriating Funds Therefor”.
Ayon sa Sec. 4 ng Provincial Ordinance No. 072-26: the province of Palawan hereby adopts Republic Act No. 10767, including its implementing Rules and Regulations, as the governing framework for all provincial and local TB prevention, control, and elimination benefits.
Lilikhain ng Provincial Ordinance No. 072-26 ang “Provincial TB Coordinating Council” na magiging pangunahing inter-agency at multi-sectoral na katawan na magiging responsable sa koordinasyon, overseeing, at pagsuporta sa implementasyon ng mga programang pangsugpo sa TB sa Palawan.
Ayon naman sa Sec. 6 ng Provincial Ordinance No. 072-26, lilikhain din nito ang “Provincial TB Core Team” sa ilalim ng Provincial Health Office na magiging ‘technical’ at ‘operational arm’ ng Provincial TB Coordinating Council.
Kakailanganin ang dalawang milyong piso (P 2,000,000) para isakatuparan ang naturang ordinansa ng Provincial Health Office (PHO), na dadaan sa accounting at auditing rules.
Dahil sa ordinansa, dadagdagan nito ang pondo ng P2,000,000 ang PHO na dadaan pa sa availability ng pondo at pag-apruba ni Palawan Gov. Amy R. Alvarez.
Dahil din sa naturang ordinansa, may direktiba na ang Local Government Units (LGU) na: pagtibayin ang kanilang mga lokal na programang pang-TB; magkaroon ng local TB focal person; mag-sumite ng report at data sa PHO para sa consolidation at ulat sa Department of Health; at mag-facilitate ng TB Elimination Task Force.