October 2, 2026
FB_IMG_1787969457261

Ni Albert Villamor Jr.

Muling nagdala ang lalawigan ng Palawan ng karangalan at pride sa Pilipinas matapos itong mapasama sa Expedia Island Hot List 2026.

Ang nasungkit na pagkilala ng Palawan ay testimonya raw sa hindi natitinag na dedikasyon at pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan, tourism enterprises, lokal na komunidad, tourism councils, Indigenous Peoples, environmental organizations, law enforcement agencies, at stakeholders.

Ayon ito kina Board Member Ariston Arzaga, Board Member Roseller Pineda, at Board Member Juan Antonio Alvarez.

Ayon pa sa kanila: this prestigious international recognition highlights Palawan’s unparalleled natural beauty, including the majestic limestone cliffs of El Nido, the pristine lakes and lagoons of Coron, including the globally acclaimed Puerto Princesa Underground River, its powdery white-sand beaches, lush forests, rich biodiversity, and extraordinary marine ecosystems that continue to captivate travelers from across the globe.

Kalinya na ng Palawan ang St. Lucia, the Seychelles, Greece, Norway, Fiji, Portugal, Puerto Rico, the United States, at Vietnam.

Ang pagkilala rin daw ng Palawan sa Expedia Island Hot List 2026 ay nagpapatibay sa posisyon ng Palawan bilang isa sa mga pangunahing dinarayong tourism destinations sa Pilipinas, na nagaangat ng global competitiveness nito; nagpapagana ng local economic development; gumagawa ng mga trabaho; at humihikayat sa mga Palaweno na protektahan ang ganda ng Palawan para sa susunod na henerasyon.

Nilalaman ito ng inaprubang resolusyon nina Arzaga, Pineda, at Alvarez sa Sangguniang Panlalawigan ng Palawan na naglalaman ng kanilang pagbati sa lalawigan ng Palawan dahil sa nakamit na pagkilala, kasama ang mga tao at organisasyon na ginawa itong posible.

Author