Photo:
Repetek News
Ni Albert Villamor Jr.
Bilang kauna-unahang Palaweño na naging isa sa sampung “outstanding scout masters” ng Pilipinas sa taong 2025, binabati ni Board Member Ryan Maminta sa kanyang Resolution No. 0590 si James Darwin B. Bundal.
Ang kanyang naturang resolusyon ay aprubado rin ng mga kasamahan ni Maminta sa Sangguniang Panlalawigan ng Palawan noong Hulyo 7.
Si Bundal ay isang scouter at merit badge counselor na nagmula sa Palawan- Puerto Princesa City Council na hindi natitinag ang leadership, integridad, at serbisyo sa Boy Scouts of the Philippines (BSP). Isa siyang guro sa Princess Urduja National High School.
Ang paghahanap sa “Search for the Ten Outstanding Scout Masters” ng BSP National Office ay mataas na pagkikila. Nais nitong magbigay ng pagkilala sa pagsisikap, selflessness, at sa mga nakamit na pagkikilala ng mga Unit Leaders ng BSP sa paglinang ng mga kabataan para maging responsable at civic-minded na mga mamamayan.
Ayon sa Resolution No. 0590: in the official results of the 2025 national search, Mr. James Darwin B. Bundal stood out, earning the prestigious distinction of being selected as one of the Ten Outstanding Scout Masters of the Philippines;
Ang nakamit daw ni Bundal ay makasaysayan sa scouting, dahil ang pagpili sa kanya ay makasaysayan sa Palawan.
Ayon pa sa naturang Resolution: this achievement marks a historic milestone for the local Scouting community, as Mr. Bundal is the very first Scout Master from the Palawan-Puerto Princesa City Council to be bestowed with this national honor, bringing pride and prestige to the entire Province of Palawan.
Noong Mayo 20-22, naging awardee din si Bundal ng ‘Silver USA’ sa Cebu City para sa kanyang “Meritorious and Outstanding Service Rendered to the Organization” sa Boy Scouts of the Philippines.