Patung-patong na kaso vs rebelde
Photo Courtesy: PalPPO
Ni Samuel Macmac
Murder, Frustrated Murder, at Attempted Murder ang mga kasong kinakaharap ng isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na matagal nang pinaghahanap ng mga awtoridad.
Sa pamamagitan ng matagumpay na operasyon ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar, nasakote ang suspek, isang 37-taong gulang na mangingisda mula Brgy. Port Barton, San Vicente, Palawan.
Pinangunahan ng Rizal Municipal Police Station (MPS) ang operasyon sa pamumuno ni PMAJ Bronson C. Caramto, katuwang ang iba’t ibang yunit ng intelligence kabilang ang Regional Intelligence Unit 4B, Provincial Intelligence Unit-Palawan Provincial Police Office (PalPPO), Palawan Mobile Force Company, Marine Corps Intelligence Company, at Rizal-Maritime Law Enforcement Team.
Kinahaharap ng suspek ang mga kaso ng pitong (7) bilang ng Attempted Murder, kung saan may inirekomendang piyansa ang korte na P120,000.00 bawat bilang. Isang Frustrated Murder na may inirekomendang piyansa na P200,000.00. Bukod dito, dalawang (2) bilang ng Murder na walang piyansang inirekomenda.