Nilantad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hunyo 27 sa kanyang ika-5 State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa ang mga hakbang ng gobyerno para maibaba ang presyo ng kuryente.
“Mga kababayan, sa lahat ng mga ginagawa natin sa sektor ng enerhiya, malinaw din sa pamahalaan ang hinaing ng taumbayan na pababain ang presyo ng kuryente sa bansa,” sabi niya.
Kailangan daw ipasa na ang “Sariling Kuryente” Act para sa simple, madali, at abot-kayang pagpapakabit ng mga solar panels at battery storage system. Hinihiling niya ang Kongreso na simulan ang pagsasabatas ng “Sariling Kuryente Act”.
“At kung pagbawas ng presyo ang usapan, sa aking palagay panahon na para tanggalin na natin ang system loss na pinapasa sa consumer,” sabi niya.
Ang system loss ay ang pinagkaiba ng kuryenteng pumapasok sa “power network” at sa aktwal na binabayaran ng mga konsumidores.
“Pinapasa ito [system loss] sa consumer at kinakarga sa bill na pinapatungan pa ng value-added tax. Hindi naman kasalanan ng consumer kung bakit nagkaroon ng system loss,” sabi rin ni Pangulong Marcos.
Hindi tama na kailangan sila [konsumidores] pa ang pagbabayarin dito, dagdag pa ni Pangulong Marcos.
Kailangan din daw i-amend o baguhin ang “Electric Power Industry Reform Act of 2001” at ipagbawal ang pagpapasa ng pagbabayad ng system loss sa mga konsumidores kasama ang Value-Added Tax (VAT).
“Therefore, we, the people, request – no, we demand for the immediate amendment of the EPIRA, and to prohibit charging system loss against consumers including the value-added tax thereon,” ayon kay Pangulong Marcos.
Via Albert Villamor Jr.