Photo:
Repetek News
Ni Albert Villamor Jr.
Maaring nakita mo na ang iyong nakababatang kapatid o anak na naglalaro ng Roblox. Uso ito ngayon, kaya nga kabilang ito sa mga kinagigiliwan at pinapansin na mga laro sa internet. May panganib kaya itong dala? Milyun-milyong mga tao sa buong mundo ang naglalaro ng Roblox.
Ayon sa website ng Roblox, Roblox is the ultimate virtual universe that lets you create, share experiences with friends, and be anything you can imagine. Sa ibang salita, ang paglalaro nito ay hindi lamang para sa isahang tao dahil maaring magkaroon ka ng mga kasama o maging kaibigan sa larong ito. Masaya, ‘di ba?
Ayon sa ID Tech, may mga benepisyo ang paglalaro ng Roblox. Una, hinihikayat nito ang mga bata na maging malikhain. Pangalawa, p’wede itong magsimula ng “learning to code” sa mga manlalarong bata. Pangatlo, may pera rito. Pang-apat, makaririnig ang isang manlalaro ng opinyon at tulong ng mga kapwa manlalaro. Pang-lima, pinahahahalagahan nito ang pagkatuto.
Ayon naman sa Fun Tech, ang Roblox ay nagtuturo sa mga manlalaro ng “programming at coding skills”, maging ang pagbilang o “computing skills” na kaikailanganin nila kapag malalaki na sila.
Pero may nakikitang hindi maganda sa mga laro sa internet kagaya ng Roblox maging ang gobyerno ng Pilipinas.
Noong Marso, nagsumite si Senador Risa Hontiveros ng isang resolusyon sa Senado ng Pilipinas upang imbestigahan ang mga laro sa internet, kabilang ang Roblox, dahil mayroon daw itong potensiyal na maging mapanganib sa mga bata, kabilang ang pag-aabuso, grooming, at iba pang digital threats o banta sa internet. Naglalaman ang imbestigasyon ng Senate Resolution No. 357.
Maging ang mga opisyales ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at ng Council for the Welfare of Children (CWC) ay nagnanais na magkaroon ng mas matibay na “safeguards”, mas striktong “age-verification system”, mabilis na pagtanggal ng mga hindi kaaya-ayang nilalaman sa Roblox, at ang pagkakaroon ng pormal na presensiya ang Roblox sa Pilipinas.
Ayon sa artikulo ng Rappler, may mga “bad actors” o masasamang mga tao ang pumapasok sa Roblox para utuin ang mga bata. May mga pamamaraan sila na manipulahin ang mga bata. Ilan sa kanilang mga ginagawa ay ang pag-uto sa mga batang maging bayolente at gumawa ng krimen. May iba pa nga raw na tinuturuan ang mga bata na gumawa ng bomba sa kanilang mga bahay, matapos mauto o maihakayat.
Ang mga laro raw ay dapat ligtas, ayon din kay Executive Director Tapales.
Ayon kay CWC Executive Director Angelo Tapales: “We noticed that there are reports that bad actors are migrating or at least using gaming platforms to harm children”. “Not just for grooming, not just for cyberbullying, for scams. But recently, because of the report of the PNP [Philippine National Police], for radicalization or to push children to commit violence,” dagdag pa niya.
Pinapayuhan rin ni Tapales ang mga magulang na dapat ay maging maalam sa mga laro sa internet, at maging bahagi ng buhay ng kanilang mga anak lalo na online.
“Child protection starts at home,” sabi ni Tapales. “It’s really the parents. So if your children are already digital citizens… we have to learn the gadgets, we have to learn the applications.”
Kung mahuhuli raw ang isang batang may ginagawang mali sa internet, huwag daw itong kaagad na parusahan dahil hindi na siya magsusumbong sa iyo kung parurusahan.
“Child protection starts at home,” sabi ni Tapales. “It’s really the parents. So if your children are already digital citizens… we have to learn the gadgets, we have to learn the applications.”
Maaring tawagan ang CWC sa numerong 1383, habang ang CICC ay maaring ma-kontact sa 1326 kung may mga ulat na kinalaman sa seguridad ng mga bata.
Game ka pa sa Roblox? Ingat!