Photo Courtesy: PRO MIMAROPA
Ni Samuel Macmac
Arestado ang tatlong Most Wanted Persons at siyam na iba pang indibidwal sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon ng Regional Police Office (PRO) MIMAROPA sa loob lamang ng isang araw.
Sa patuloy na pinaiigting na kampanya kontra kriminalidad sa rehiyon, matagumpay na naaresto ang kabuuang 12 katao, kabilang ang tatlong (3) most wanted persons sa antas ng probinsyal, lungsod, at munisipyo.
Ayon sa kapulisan, isa sa pangunahing operasyon ang pagkakaaresto sa Provincial Most Wanted Rank No. 10 sa Mansalay, Oriental Mindoro. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti- Violence Against Women and Thier Children Act.
Samantala, nadakip sa lungsod ng Calapan ang City Most Wanted Rank No.6 na may kasong Statutory Acts of Lasciviousness.
Sa hiwalay na operasyon, nasakote rin sa Mansalay ang Municipal Most Wanted Rank No.1 na wanted sa kasong Attempted Murder.
Bukod naman sa tatlong high-value targets, siyam (9) indibidwal ang nadakip sa Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, at Palawan. Kabilang sa mga kasonh kinakaharap ng mga ito ang Estafa, Qualified Theft, Attempted Homicide, Acts of Lasciviousness, at paglabag sa Republic Act 9995 o Anti- Photo and Video Voyeurism Act.
Dahil sa matagumpay na opersyon, pinuri ni PRO MIMAROPA Regional Director PBGEN Christopher R. Dela Cruz ang mga yuniy na nagsagawa ng operasyon. Aniya, bahagi ito ng pagpapatupad bg F.I.G.H.T.C.R.I.M.E.S. Framework ng Philippine National Police (PNP), na nakatuon sa mabilis na serbisyo ng kapulisan upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa mga komunidad.
Editor’s Note: “Blurred” ang larawan ng biktima o suspek alinsunod sa probisyon ng Data Privacy Act.