September 25, 2026
FB_IMG_1790337906553

Ni Albert Villamor Jr.

Tatlong sea ambulance at pitong rubber boat ang dinagdag sa mga kagamitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Set. 23.

Binasbasan na ito sa pangunguna ni Rev. Fr. Flor Manlongat na dinaluhan ng mga kawani ng PDRRMO sa PDRRMO Headquarters sa Brgy. Irawan, Puerto Princesa City.

Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Jeremias Y. Alili, ang mga bagong kagamitan ay nagpapalakas ng water-based response network ng lalawigan.

“Based sa directive ni Gov. Amy Roa Alvarez, we are now upgrading our water assets to a bigger and more equipped seacrafts. These will be deployed to areas like Cagayancillo, San Fernando El Nido and Balabac. Maliban sa mga lugar na nabanggit, may mga seacrafts tayo sa Sta Teresita, Dumaran, Agutaya, Busuanga at Linapacan. Ang mga ito ay operated in partnership with municipal LGUs,” sabi ni Alili.

Magagamit ang mga bagong kagamitan sa search and rescue operations, paghahandog ng tulong ng pamahalaan sa mga isla, at pagdadala ng mga pasyente.

Sa pamamagitan ng karagdagang kagamitan sa PDRRMO, pinalalakas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pamumuno ni Gob. Amy Alvarez ang kapasidad ng mga water assets ng PDRRMO sa sea craft.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *