August 18, 2026
FB_IMG_1786970809774

Photo Courtesy: PALPPO

Ni Samuel Macmac

Naaresto ng pulisya ng Roxas, Palawan, ang apat na katao matapos mahuli sa aktong pagdadala ng halos P98,000 halaga ng Kaatoan Bangkal lumber na walang kaukulang permit.

Sa apat na nahuling suspeks, kabilang dito ang 25-anyos na magsasaka na kinilala sa alyas na “Andy”, na residente ng Brgy. Minara, Roxas, Palawan matapos masakote sa isinagawang joint operation ng mga awtoridad, ayon sa Palawan Provincial Police Office (PalPPO).

Batay sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang Roxas Municipal Police Station (MPS) hinggil sa paglabag sa Presidential Decree No. 705 o Revised Forestry Code of the Philippines. Agad na nagsagawa ng operasyon ang Roxas MPS kasama ang DENR Enforcement and Monitoring Section at 2nd Palawan Provincial Movile Force Company (PMFC).

Sa lugar ng insidente, tumambad sa mga operatiba ang mga suspek na nagbibiyahe ng Kaatoan Bangkal lumber. Nang hingan ng dokumento o permit para sa pagputol, pagmamay-ari, at pagbiyahe ng naturang produkto, bigo silang makapagpakita ng anumang papeles.

Dahil dito, nakumpiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang iba’t ibang sukat ng sariwang kahoy na umabot sa kabuuang P1,958.25 board feet na tinatayang nagkakahalaga ng P97, 912.50.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Roxas MPS ang mga naaresto para sa tamang disposisyon at paghahain ng kaso sa paglabag ng Seksyon 77 ng PD 705.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *