September 8, 2026

Tulong sa burol at libing, hiling ng kaanak ni Jezelle

0
FB_IMG_1788787088345

Photo Courtesy: Repetek

Ni via Rodolfo Idusora

Hindi na umano plano ng pamilya ng estudyanteng si Jezelle na magsasampa ng kaso kaugnay ng aksidenteng ikinasawi nito sa Abanico Road, Barangay San Pedro, Puerto Princesa City.

Ayon kay Juliet Mediario, ina ni Jezelle, ang nais na lamang nila ay matulungan sa gastusin para sa maayos na burol at pagpapalibing sa kanilang anak.

Sinabi ni Mediario na hindi nila inakala na ang palagiang pagsakay ng kanilang anak sa motorcycle taxi papasok sa paaralan ay hahantong sa trahedya.

Anya, ipinagkatiwala nila ang kanilang anak sa motorcycle taxi dahil ito na ang nakasanayan nitong paraan ng pagpasok sa eskwelahan.

Sa kabila ng nangyari, sinabi ng pamilya na wala silang balak manisi at nais lamang nilang makumpleto ang kinakailangang gastusin para sa burol at libing ni Jezelle.

Ayon kay Mediario, nakatanggap na sila ng ₱20,000 at bulaklak mula sa motorcycle taxi company. Gayunman, kulang pa umano ito sa kanilang kasalukuyang gastusin.

Nangako rin umano ang kinatawan ng kompanya na may karagdagang tulong, ngunit hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ang pamilya, lalo’t nakatakdang ilibing si Jezelle ngayong Lunes, Setyembre 7.

Binigyang-diin ni Mediario na walang halaga ang makapapantay sa buhay ng kanilang anak.

Sinabi rin niyang hindi dapat kwestiyunin ang pamilya sakaling makatanggap sila ng tulong mula sa kompanya ng truck driver na sangkot sa aksidente.

Kaugnay nito, nanawagan ang pamilya na maging responsable ang mga operator at tiyaking ligtas ang kanilang mga pasahero upang maiwasan na maulit pa nag ganitong insidente na maaaring kumuha ng buhay ng sinuman.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *