September 5, 2026

Tutulong magserbisyo sa mga ospital ng Palawan gov’t

0
FB_IMG_1788594966889

Ni Albert Villamor Jr.

Inaasahan na makatutulong ang mga bagong kapapasang medical scholars ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa kanilang board exam sa paghahatid ng serbisyong medikal sa mga ospital ng Palawan.

Walong mga medical scholars ng provincial government ang matagumpay na nakapasa sa Medical Technologists Licensure Examination (MTLE), Agosto 15-16, 2026.

Sila ay sina Oe Samm Alcanzare, John Ivann Ambasa, Reeze Gian Bacosa, Julia Yssabelle Gajo, Winnie Jane Junsay, Diannah Joyce Marmol, Francine Nova Raon at Alyza Lee Victorino.

Ayon sa Provincial Information Office ng Palawan: “Inaasahang makatutulong ang mga bagong medical technologists sa patuloy na paghahatid ng mahusay at maaasahang serbisyong pangkalusugan sa mga ospital na pinangangasiwaan ng Pamahalaang Panlalawigan”.

Patuloy pa ring pinalalawak ang pagbibigay ng scholarships grants ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pamumuno ni Gob. Amy R. Alvarez para sa mga Palawenong nais mag-aral pero may kahirapan sa buhay.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *