August 26, 2026
1787694705572

Photo Courtesy: Mayor Lucilo Bayron

Ni Joana Pacquing

Libreng gamot, bigas, at iba pang government services ang ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa sa mga residente ng rural barangays sa Maoyon, Lucbuan, Maruyugon, Manalo, Salvacion, at Sta. Cruz, nitong araw ng Martes, Agosto 25.

Isinasagawa ng Pamahalaang Panlungsod ang ‘Ugnayan sa Barangay’ na layuning maghatid ng mga serbisyo ng lokal na pamahalaan sa mga residente nito.

Sa ulat ng Tanggapan ni City Mayor Lucilo R. Bayron, nakatanggap ng walong kilong bigas ang bawat rural household kada kwarter o tatlong buwan. Maliban sa libreng bigas, nagkaloob din ng libreng gamot, dental, at medical check up sa ilang mga residente.

Mayroon ding libreng pananim na gulay at mga seedlings, at murang produktong gulay sa ilalim ng Kadiwa Market ng mula sa City Agriculture Office; libreng vitamins, ligate, o spay para sa mga alagang hayop mula sa City Veterinary Office; konsultasyon mula sa City Assesor’s Office, City Engineering Office, at iba pa; at pag-aasikaso ng mga dokumento sa City Registrar’s Office.

Iniulat din ng tanggapan ng alkalde na kasama rin sa aktibidad ang distribusyon ng ₱3,000 quarterly allowance para sa senior citizens, PWDs, solo parents, at barangay tanods, at habang ₱6,000 cash allowance para sa teaching and non-teaching personnel sa mga nabanggit na barangays.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *