November 23, 2026

Wirings sa palikuran ng temporary shelter, ninakaw

0
FB_IMG_1795230365625

Photo Courtesy: ACTF

Ni Rodolfo Idusora

Nawawala na naman ang mga kable ng kuryente sa mga comfort room (CR) ng Temporary Shelter sa Block 2, Peneyra Road, Barangay San Pedro.

Ayon sa ulat ng City Anti-Crime Task Force, inilapit ng isang residente ang lumapit upang ipaalam ang umano’y pagnanakaw ng mga wiring sa mga CR sa Block 2.

Agad na nagtungo ang mga tauhan sa nasabing lugar upang inspeksyunin ang iniulat na insidente. Sa kanilang pagsusuri, kinumpirmang nawawala ang mga kawad ng kuryente sa mga CR.

Pinayuhan naman ng grupo ang mga residente na agad ipagbigay-alam sa kanila kung may makikitang kahina-hinalang kilos o sinumang taong gumagala sa loob ng Temporary Shelter.

Nagpasalamat din ang mga residente sa agarang pagtugon ng tropa sa kanilang sumbong.

Samantala, may mga nagtatanong kung bakit tila napapabayaan ang ilang pasilidad sa lugar, lalo na’t umaasa ang mga residente sa mga serbisyong ibinibigay ng pamahalaan.

May hinala rin na posibleng ang gumawa ng pagnanakaw ay nagmula mismo sa loob ng shelter, ngunit wala pang kumpirmasyon kung sino ang nasa likod nito.

Sa halip na sisihan, hinihikayat ang mga residente na makipagtulungan at bantayan ang kanilang komunidad upang maiwasan ang panibagong pagnanakaw.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *