Photo Courtesy: PRO MIMAROPA
Ni Samuel Macmac
Nakapagtala ang Police Regional Office (PRO) MIMAROPA ng 36.4 porsyentong pagtaas sa bilang ng mga naarestong wanted persons sa rehiyon mula Enero hanggang Hulyo 2026.
Batay sa datos ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), umabot sa 1,252 ang naaresto mula Enero 1 hanggang Hulyo 13, 2026, kung saan mas mataas ng 334 kumpara sa 918 na nahuli sa parehong panahon noong 2025.
Sa kabuuang bilang, 336 ang Most Wanted Persons habang 916 naman ang Other Wanted Persons. Tumaas naman ng 12.4 porsyento ang bilang sa Most Wanted, samantalang halos kalahati o 48 porsyento ang itinaas sa Other Wanted Persons.
Isa sa pinakahuling naitala sa kampanya laban sa kriminalidad, ang pagkakaaresto ng isang Provincial Most Wanted Person ng Romblon sa Barangay Agmanic, Santa Fe nitong Hulyo 13. Nahaharap ang suspek sa kasong rape na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.