Photo courtesy: City Sports Puerto Princesa
Ni Clea Faye G. Cahayag
May bagong patakaran na ipatutupad ang pamunuan ng RVM Sports Complex sa lungsod ng Puerto Princesa.
Ayon sa City Sports Puerto Princesa, pansamantalang isasara ang pasilidad sa tuwing makararanas ng masamang panahon gaya ng malakas na ulan, pagkulog at pagkidlat.
Ang hakbang na ito ay upang tiyakin ang kaligtasan ng bawat atleta, coach at iba pang indibidwal na gumagamit ng Sports Complex.
“Whenever bad weather such as heavy rain or thunderstorms occurs, RVM Sports Complex will be temporarily CLOSED to ensure the safety of all athletes, coaches, and facility users,” nakasaad sa advisory.
Sinabi pa ng pamunuan, awtomatikong kakanselahin rin ang lahat ng permit at nakaiskedyul na aktibidad sa loob ng pasilidad sa araw ng pagsasara.
“Please be advised that ALL scheduled permits for the day will be automatically CANCELLED,” pabatid pa sa publiko.
Humihiling naman ng pang-unawa sa publiko upang maiwasan ang anumang panganib na maaaring idulot ng masamang panahon.
Binigyang-diin ng pamunuan ang “kaligtasan ng bawat isa ang kanilang pangunahing prayoridad”.
Anila, bukas ang pasilidad kung hindi malakas ang ulan o bagyo gayunpaman kinakailangan pa rin ang “permit-to-use” bago ito magamit.