𝗕𝗲𝘁𝘁𝘆, 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗻𝗮𝗽 𝗻𝗮 𝘀𝘂𝗽𝗲𝗿 𝘁𝘆𝗽𝗵𝗼𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗹𝗼𝗼𝗯 𝗻𝗴 𝟯 𝗮𝗿𝗮𝘄; 𝗣𝗖𝗚, 𝗻𝗮𝗴𝗵𝗮𝗵𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗻𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗼𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗮𝗺𝗮 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗖𝗼𝗿𝗱𝗶𝗹𝗹𝗲𝗿𝗮 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻 𝗮𝘁 𝗜𝗹𝗼𝗰𝗼𝘀 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻.
PHOTO//DOST-PAGASA
Ni Ven Marck Botin
Si “Betty” ay papasok sa Pilipinas sa darating na Biyernes o Sabado.
Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), ikinasa na ng kanilang ahensya “ang mga deployable response groups (DRGs) at Quick Response Teams (QRTs) sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Ilocos region” upang paghahanda sa posibleng pagtama ng bagyo sa mga nabanggit na lugar.
“Hinigpitan na rin ng PCG ang kanilang pag-iinspeksyon sa mga barko, bangka, at iba pang sasakyang pandagat upang masigurong magiging ligtas ang kanilang paglalayag,” saad ng PCG.