November 23, 2026

Inaalok sa Megaworld ang Sta. Lucia development

0
FB_IMG_1795230977691

Photo Courtesy: FB/City Mayor Lucilo R. Bayron

Ni Clea Faye G. Cahayag

Ngayong Linggo, nakatakdang magtungo si Punong Lungsod Lucilo Bayron sa Megaworld upang ipresenta ang investment proposition para sa Sta. Lucia Environmental Estate.

Ayon kay Bayron, ang pagpupulong ay naka-schedule nitong nakalipas na araw ng Huwebes, ika-19 ng Nobyembre, ngunit kailangan pa umano niya itong kumpirmahin dahil sa mga aktibidad nang kamakailang ASEAN Summit.

“This week, ang schedule ko is pupunta sa Megaworld para mag-present ng investment proposition kaya lang ang schedule namin ay Thursday kailangan mai-confirm dahil baka naapektuhan ng ASEAN. ‘Di ko alam kung matutuloy,” ang pahayag ng Alkalde matapos ang flag raising ceremony ng city government.

Layunin ng meeting na ito na mahikayat ang Megaworld na manguna sa kabuuang development ng Sta. Lucia Environmental Estate.

“Pero kung matutuloy, ipanalangin natin na maging successful na tanggapin ng Megaworld na sila ‘yung magdevelop ng Sta. Lucia Environmental Estate natin. ‘Yung complete development niya,” dagdag pa ng Alkalde.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *