Repetek News
Ni Albert Villamor Jr.
Hinihiling ni Board Member Cherry Pie Acosta na magsagawa ang Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) ng ocular inspection at ecological assessment sa mga commercial marine tourism site sa nabanggit na bayan.
Ayon sa Bokal, nilalayon nitong malaman ang kasulukuyang kalagayan ng commercial marine tourism sites sa El Nido, Palawan, para makapagbigay ang PCSD ng science-based na management intervention, kasama ang posibleng coral reef restoration, rehabilitasyon, at conservation programs, habang isinasaalang-alang ang kabuhayan ng mga lokal na komunidad.
Ang kanilang kahilingan ito ay nakasaad sa Resolution No. 0595-26 na inapruba ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan (SP-Palawan) noong Hulyo 7.
Ayon pa kay Acosta, ang mga aktibidad ng turismo sa El Nido, Palawan; boat traffic; snorkeling; diving; anchoring; at ang iba pang recreational na aktibidad ay maari nang naging dahilan sa pagkasama, pag-degrade, o pag-deteriorate ng coral reef kung hindi regular na mamu-monitor o mama-manage.
Ayon sa Resolution No. 0595-26, periodic ecological assessment and ocular inspections are essential in determining the present condition, health status, and resilience of coral reef ecosystems and in identifying areas that require immediate conservation interventions.
Ang paghanap sa mga korales na may pinsala o pagka-degrade ay maaring maging daan para sa naaayon na mga opisina ng gobyerno at stakeholders na gawing prayoridad sa coral restoration, rehabilitasyon, proteksyon, at iba pang ecosystem-based na pagma-manage.
Ang kahilingan daw ni Acosta na magsagawa ang PCSD ng ocular inspection at ecological assessment ng mga commercial marine tourism sites sa El Nido, Palawan, ay nagpapakita lang ng kagustuhan ng Palawan sa mga science-based na environmental governance sa pamamagitan ng “informed” na mga panuntunan sa pagbuhay at pagprotekta ng ekosistema ng karagatan, habang binabalanse ito sa mga ikinabubuhay at kapakanan ng mga lokal na komunidad na nakadepende sa kayamanan ng pampang para kumita at mabuhay.
Ayon din sa Resolution No. 0595-26: the PCSD possesses the technical expertise and institutional mandate to undertake or facilitate environmental assessments and coordinate conservation initiatives consistent with the Strategic Environmental Plan (SEP) for Palawan.