BABAE, NAATRASAN NG PICK-UP; SUSPEK, NAKIPAGHABULAN
Photo Courtesy: We R1
Ni Samuel Macmac
Naatrasan ang isang babae ng Toyota Hilux pick-up sa harap ng isang establisyemento sa Rizal Avenue, lungsod ng Puerto Princesa nitong Hulyo 11.
Ayon sa ulat, isang Toyota Hilux pick-up ang nakaatras sa isang babae sa Rizal Avenue. Kasabay nito, dalawang lalaki ang agad na nanuntok sa driver na si alyas Mark. Hindi pa nakuntento, hinampas pa ng helmet ang babaeng kasama ng driver.
Matapos ang pananakit, tumakas ang mga suspek sakay ng isang Honda Click V4 na kulay gray/black. Sinundan sila ng awtoridad hanggang barangay San Manuel kung saan naabutan ang isa sa kanila sa loob ng compoun na pansamantalang tinutuluyan niya. Samantala, nakatakas ang kanyang kasama papasok sa loob ng compound.
Agad naman na-turn over ang suspek sa Police Station 1 para sa mas malalim na imbestigasyon. Naroon din ang driver ng pick-up at ang babaeng biktima na kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad kaugnay sa insidente.