Repetek News
Ni Albert Villamor Jr.
Hinihiling ni Board Member Ryan Maminta ang Department of Finance (DOF) na i-extend pa ang tax amnesty sa pagbabayad ng real property tax nang anim pang buwan.
Nagtapos na ang real property tax amnesty noong Hunyo 5, 2026, dalawang taon matapos isabatas ang “Real Property Valuation and Assessment Reform Act” noong Hunyo 13, 2024.
Ayon kay Maminta, kinilala raw ng Palawan ang kahalagahan ng tax amnesty para sa social equity dahil pinapayagan daw nito ang mga nagmamay-ari ng mga property na bayaran ang kanilang mga pananagutan habang hindi na pinoproblema ang mga “accumulated penalties” o mga pananagutan noong hindi pa naipasa ang batas, habang tinutulungan din nito ang lokal na gobyerno na i-improve ang kanilang revenue collection.
Ayon pa sa resolusyon ni Maminta na 0593-26: Extending the tax amnesty window for at least six (6) months would provide much-needed financial relief, giving hardworking citizens a fair opportunity to secure the necessary funds to protect their properties from eventual forfeiture.
Isa raw sa rason kung bakit hindi nakabayad ang mga may pananagutan sa real property tax sa pagpapatupad ng tax amnesty program, ay ang heyograpiya ng Palawan.
Ayon din sa naturang resolusyon ni Maminta: due to the distinct geography of palawan, which consists of various isolated and island municipalities, local communities face logistical challenges in accessing provincial centers and fully complying with these fiscal initiatives.
Iyong iba naman daw na mga mahihirap na Palaweño o mga “low-income households” at mga property owners, ay walang agarang pambayad o “disposable income” para mabayaran ang kanilang “principal tax obligations”.