Photo courtesy: Jfh Hinggo
Ni Albert T. Villamor Jr.
Hinihiling ni Board Member Al-Nashier Ibba na magpatayo ang Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines (AIIBP) ng branch sa Palawan.
Ito ay sumasalamin din sa mga nauna ng hiling ng mga muslim organizations, Ulama Council, at accredited Muslim Associations sa Palawan.
Ang AIIBP ay ang nag-iisang bangko sa Pilipinas na nagbibigay ng serbisyong pinansiyal sa Pilipinas sa ilalim ng Shari’ah principles, sa ilalim ng Presidential Decree No. 264 at mas pinagtibay ng Republic Act No. 6848.
“Napakagandang ng resolusyon nito at napakahalaga po ito lalo na sa probinsiya ng Palawan kasama iyong Puerto Princesa kasi dito sa MIMAROPA, pinakamaraming muslim po ay nasa Palawan,” sabi ni Ibba.
“Ito lang po ang authorized Islamic bank in the country na under siya ng Shariah principles. Ito po ay maraming makikinabang mga kapatid natin na muslim, na kapag mayroon silang pangangailangan, investment at mga siyempre support sa mga kapatid na muslim,” dagdag pa niya sa paliwanag ng kahalagahan ng Resolution No. 0447-26 na ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan noong Mayo 12.
Ayon sa Resolution No. 0447: there is an increasing demand for banking services that adhere to Islamic financial principles — specifically the “no interest” or riba-free banking model – among the Muslim constituents of Palawan, which is currently underserved due to the absence of a dedicated Islamic banking facility in the province.
Kapag nagkaroon ng branch ng AIIBP sa Palawan, hindi lamang daw ito magbibigay ng pagkakapantay-pantay na akses sa mga Shari’ah compliant na produkto; ito rin ay magpo-promote ng financial inclusion, mag-e-empower sa mga lokal na negosyante, at magsisigurado ng mga remittances mga Muslim.
Sa orihinal na charter ng AIIBP, kinilala na nito na marami na ang mga Muslim ang naninirahan sa Palawan.
Ipagbibigay ang nilalaman ng Resolution No. 0447-26 sa Board of Directors ng AIIBP, Office of the Governor ng Palawan, at iba pang mga stakeholders na may kinalaman sa hiling para sa kanilang impormasyon at aksyon para rito.