Repetek News
Ni Clea Faye Cahayag
Dumating sa Puerto Princesa sina DICT Undersectary Atty. Faye M. Condez de Sagon at Regional Director Emmy Lou V. Delfin para sa isasagawang Digital Bayanihan Caravan ngayong araw, Miyerkules, Hulyo 15, sa Aziza Paradise Hotel.
Sa media fellowship kagabi, Martes, sinabi niDelfin ito na ang ikaapat na pagkakataong idinaos ang naturang caravan.
Aniya, layunin nito na ilapit sa mga mamamayan ang iba’t ibang serbisyo ng Department of Information, Communications and Technology (DICT).
“…we will conduct the Digital Bayanihan Caravan…for Palawan mayroon po tayong maraming initiatives kaya natutuwa po kami na si Usec.Faye is here,” ani Delfin.
Kabilang sa mga pangunahing aktibidad ang paglulunsad ng karagdagang Free Wi-Fi sites sa 207 pampublikong paaralan sa Puerto Princesa City at iba pang bahagi ng Palawan.
Magkakaroon din ng distribusyon ng 87 tables para sa mga Barangay Health Workers (BHWs) na gagamitin sa pagpapatupad ng Telehealth Program.
Bukod dito, magkakaloob ang DICT ng 100 computer units sa sampung (10) pampublikong paaralan, kung saan bawat paaralan ay tatanggap ng tig-10 computer.
Ilulunsad din sa naturang caravan ang kauna-unahang Provincial ICT Development Plan.
Ipakikilala rin ang 25 iskolar ng Strengthening the Philippine Workforce through Adaptive and Responsive Digital Knowledge (SPARK) Program ng DICT.