Rocket debris sa cagayan, Babuyan Island
Repetek News
Maglulunsad ang bansang Tsina ng panibagong space rocket na Jielong-3 rocket sa darating na Miyerkules, Agosto 5, mula 10:29 hanggang 11:04 ng umaga, ayon sa abiso ng Philippine Coast Guard (PCG).
Pinag-iingat ang lahat ng mga marino, mangingisda, at publiko kaugnay sa debris mula sa nasabing space rocket.
Inaasahang may mga bahagi ng rocket na babagsak sa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone o EEZ, sa humigit-kumulang 94 nautical miles mula sa Babuyan Island at 143 nautical miles mula sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan, ayon sa ulat ng Philippine Space Agency (PhilSA).
Pinayuhan ang lahat ng sasakyang pandagat na iwasan ang mga nabanggit na lugar sa oras ng paglulunsad at agad na iulat sa pinakamalapit na himpilan ng Coast Guard ang anumang hinihinalang rocket debris na matagpuan.