August 3, 2026
1785594219942

Ni Rodolfo Idusora

Habang masayang naglalaro ang ilang mga bata sa baybayin ng Palawan Seaside, o dating Puerto Beach, sa Barangay Concepcion, kanilang namataan ang isang patay na dolphin o lumba-lumba na inanod sa nabanggit na lugar bandang alas-5:00 ng hapon noong Hulyo 27.

Batay sa pahayag ng mga nakakita, posibleng napadpad ang dolphin sa pampang dahil sa malalakas na alon sa lugar.

Tinatayang nasa kalahating dipa ang haba ng dolphin. Ito ay kabilang sa mga marine species na protektado sa ilalim ng batas ng bansang Pilipinas. Ilan sa mga uri nito ay itinuturing na nanganganib dahil sa iba’t ibang banta tulad ng pagkakasabit sa lambat, polusyon sa karagatan, pagkawala ng tirahan, at iba pang gawain ng tao na nakaaapekto sa kanilang kaligtasan.

Pinaalalahanan naman ng mga awtoridad ang publiko na iwasang galawin o ilipat ang mga stranded o patay na marine species, at sa halip, ay agad itong iulat sa City Environment and Natural Resources Office (City ENRO), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), o Philippine Coast Guard upang masuri ng mga eksperto at maisagawa ang tamang proseso.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *