August 8, 2026
FB_IMG_1786065680515

Photo Courtesy:

Repetek News

Ni Rodolfo Idusora

Nakuha sa closed circuit television (CCTV) camera ang kilos ng dalawang lalaking umano’y sangkot sa pagpasok sa isang shop sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Makikita ang dalawang lalaki na kapuwa may takip sa mukha habang nasa loob ng establisimyento.

Makikita rin na tila may hinahanap ang mga ito bago umalis sa lugar. Hindi pa malinaw kung anu-anong gamit ang kanilang nakuha o kung magkano ang halaga ng mga nawalang ari-arian.

“Huwag na huwag mag-iiwan ng mga mahahalagang gamit o pera sa shop. We learned this the hard way,” pahayag ni Alyas “Bing”, may-ari ng shop, sakaniyang kapuwa negosyante at sa publiko.

“This is now the third time we’ve experienced something like this. Despite installing CCTV cameras and taking extra precautions, it still happened,” aniya pa.

Sinabi rin niya na “If there’s one thing we’d like to remind our fellow business owners, it’s this: don’t let your guard down. Keep your valuables secured and never leave cash, gadgets, or personal belongings unattended, even for a few minutes”.

Paalala pa ni Alyas Bing sa publiko, “We hope this serves as a reminder for everyone to stay vigilant and protect their businesses. Stay safe, everyone.”

Ito na rin aniya ang ikatlong beses na nangyari sa kanilang negosyo sa kabila ng paglalagay ng CCTV cameras at iba pang hakbang para sa seguridad.

Sa kanilang Facebook post, hinikayat nila ang mga business owners na huwag mag-iwan ng pera, gadgets, at iba pang mahahalagang gamit sa kanilang mga shop. Binigyang-diin din nila na mahalagang laging naka-secure ang mga mahahalagang kagamitan at huwag hayaang nakatiwangwang kahit sa maikling oras lamang.

Umaasa rin ang shop na magsisilbing babala ang nangyaring insidente upang maging mas maingat ang ibang may negosyo at maiwasan ang kaparehong pangyayari.

Samantala, nagsisilbing mahalagang ebidensya ang CCTV footage sa pagtukoy sa pagkakakilanlan ng dalawang suspek. Hinihikayat din ang sinumang may impormasyon tungkol sa insidente o sa mga lalaking nakunan ng camera na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya upang makatulong sa imbestigasyon.

Patuloy namang pinapaalalahanan ang publiko, lalo na ang mga may negosyo, na paigtingin ang kanilang seguridad sa pamamagitan ng maayos na paglalagay ng CCTV, paggamit ng matitibay na kandado, at pag-iwas sa pag-iiwan ng mahahalagang gamit o malaking halaga ng pera sa loob ng kanilang mga establisimyento.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *