Libreng serbisyong legal ng Kapitolyo
Photo Courtesy: PIO Palawan
Ni Albert Villamor Jr.
Noong Hulyo 29, nagkaroon ng libreng serbisyong legal ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pamamagitan ng Provincial Legal Extension Services Program (PLESP) ng Provincial Legal Office (PLO).
Ang libreng serbisyong legal ay naglayon na palawakin ang kaalaman ng mga dumalo sa usaping legal, responsibilidad, at kaarapatan na sumusunod sa mga batas na umiiral sa Pilipinas.
Nagbigay rin ang PLESP ng libreng notarial at legal document drafting, at legal advice. Nagbigay naman ang Department of Foreign Affairs (DFA), Philippine Statistics Authority (PSA), at Civil Registry ng kanilang serbisyo sa mga dumalo.
Ang mga nakatanggap ng serbisyong legal sa Balabac ay ang Pasig, Agutayan, Melville ,Catagupan, Malaking llog, Rabor, Indalawan, Poblacion I, Poblacion II, Poblacion III, Poblacion IV, Poblacion V, Poblacion VI, Mangsee, Salang, at Catagupan.
Ang mga libreng serbisyong hinandog ng Pamahalaang Panlalawigan ay ayon sa PALAWAN + PLUS Development Agenda ni Gov. Amy Roa Alvarez. Nais ng aktibidad na ilapit ang serbisyong legal sa lahat ng Palaweño.