Tulong-puhunan
Photo Courtesy: PIO Palawan
Ni Albert Villamor Jr.
Tumanggap ng ₱75,000 na tulong-puhunan ang San Vicente Municipal Employees Multi-purpose Cooperative noong Hulyo 31, taong kasalukuyan.
Ibinagay ang nasabing halaga ng Provincial Cooperative Development Office (PCDO) sa pangunguna ni Gobernadora Amy R. Alvarez, sa ilalim ng Cooperative Program for Sustainable Enterprise (COPSE) bilang tulong sa operasyon ng kooperatiba at mga miyembro nito.
Babayaran ng mga miyembro ng kooperatiba ang ₱75,000 sa loob ng dalawang taon, na sumasalamin sa nais ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan na lumago ang kooperatiba at maiangat ang lokal na ekonomiya.
Ang pagtanggap ng tulong-puhunan ay nasa loob ng mga layunin ng PALAWAN + PLUS Development Agenda ni Gob. Alvarez upang makatulong sa mga kooperatiba sa Palawan at sa hanapbuhay ng mga Palaweño.
Kasabay ang pagtanggap ng San Vicente Municipal Employees Multi-purpose Cooperative ng naturang halaga, sa kasagsagan ng Malagnang Festival sa munisipalidad ng San Vicente, Palawan.