‘Ginawa ang lahat sa pagtugon sa krisis’
Ni Albert Villamor Jr.
Sa ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hulyo 27 sa Batasang Pambansa, sinabi niyang ginawa ng lahat ng gobyerno upang harapin ang krisis na idinulot ng sigalot sa Middle East sa Pilipinas.
Hinahangaan daw ang Pilipinas sa “bilis, liksi, at pagiging aktibo” nito sa pagtugon sa krisis.
“Mga kababayan, sa ating pagbalik-tanaw, kaya ko kayong harapin, at sabihin na ginawa natin ang lahat ng nararapat upang malunasan ang mga epekto ng krisis,” sabi niya.
Agaran daw na kumilos ang buong pamahalaan upang tumulong sa mamamayan.
“Limang buwan mula sumiklab ang digmaan, ramdam pa rin natin ang bigat ng mga epekto nito sa ating bansa,” dagdag pa niya.
“Hanggang kailangan, asahan ninyo na hindi titigil ang pagsuporta ng pamahalaan. Naglaan tayo ng mahigit animnapung bilyong piso para dito, hanggang sa katapusan ng taon,” dagdag pa ni Pangulong Marcos.