August 17, 2026
FB_IMG_1786885510608

Photo courtesy: CGSS

Ni Rodolfo Idusora

Umabot sa animnapu’t siyam (69) na bagong pisa na pawikan ang ligtas na pinakawalan sa baybayin ng Onok Island sa bayan ng Balabac, Palawan, sa tulong ng Coast Guard Sub-Station Onok, island caretaker, at Palawan Council for Sustainable Development (PCSD).

Isinagawa ang pagpapakawala sa mga baby pawikan matapos mapisa ang mga itlog sa nesting site sa isla. Tumulong ang mga tauhan ng Coast Guard sa pag-secure ng lugar upang matiyak na ligtas ang mga hatchling habang papunta sa dagat. Siniguro rin na hindi maaabala ang mga batang pagong habang isinasagawa ang release.

Nasaksihan din ng ilang turistang bumibisita sa Onok Island ang pagpapakawala sa mga baby pawikan. Ayon sa Coast Guard, naging pagkakataon ito upang maipakita sa mga turista ang kahalagahan ng pangangalaga sa mga pagong-dagat at iba pang yamang-dagat. Matapos ang release, lahat ng 69 na hatchling ay matagumpay na nakarating sa katubigan.

Patuloy namang nakikipagtulungan ang Philippine Coast Guard sa PCSD, mga tagapangalaga ng isla, lokal na komunidad at mga nasa sektor ng turismo para sa proteksyon ng marine wildlife sa Balabac.

Paalala rin sa mga turista at bisita na panatilihing malinis ang mga dalampasigan at iwasang gambalain ang mga pugad at hatchling ng mga pagong-dagat upang makatulong sa kanilang pagdami at kaligtasan.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *