Meet and greet ni David Licauco sa Puerto Princesa
Photo Courtesy: GMA
Ni Ferds Cuario
Makakasama ng mga Palaweño ang aktor na si David Licauco sa isang meet and greet na isasagawa sa Agosto 23 sa SM City Puerto Princesa para sa mga tagasuporta ng bagong ride-hailing service na Oppa Ride.
Si David ang kilalang nagmamay-ari ng Oppa Ride, ang bagong car-hailing application na unang inilunsad sa Puerto Princesa City, at inaasahang mag-o-operate rin sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Inaasahang magiging tampok sa aktibidad ang personal na pakikipagkita ni Licauco sa mga Palaweño at supporters ng Oppa Ride.
Ang pagbisita ng aktor ay inaabangan ng kanyang mga fan sa Puerto Princesa, na gaganapin sa Agosto 23, sa SM City Puerto Princesa. Dito magtatagpo ang showbiz at bagong teknolohiya sa transportasyon sa pagdating ni David Licauco para sa Oppa Ride meet and greet.