August 22, 2026

Barakalan sa gabi: Youth Festival night market, binuksan sa Baywalk

0
FB_IMG_1787357595065

Photo Courtesy:

Repetek News

Ni Ferds Cuario

‎Opisyal nang binuksan ang night market extension sa Baywalk bilang bahagi ng 7th Puerto Princesa City Youth Festival, na naglalayong magbigay ng espasyo para sa kabataan, maliliit na negosyante at mga residente na makilahok sa taunang pagdiriwang.

‎Matatagpuan ang night market sa dulo ng Fishport area sa Baywalk at tampok dito ang 25 food booths na nag-aalok ng iba’t ibang pagkain at iba pang atraksyon para sa mga mamimili at bisita.

‎Isinagawa ang pagbubukas sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa, katuwang ang Sangguniang Kabataan (SK) City Federation at Barangay Matahimik.

‎Dumalo sa pormal na pagbubukas si SK Federation President Karl Dylan Aquino, kasama sina City Youth Development Office representative Ralph Asuncion at Barangay Matahimik Captain Ryan Abueme.

‎Nakibahagi rin sa aktibidad ang City Choir, City Band at mga organisasyon ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod.

‎Ayon sa mga organizer, ang night market ay bahagi ng mga aktibidad para sa ika-7 taon ng City Youth Festival at nagsisilbing lugar para sa kabataan at komunidad na magsama-sama, maglibang at suportahan ang mga lokal na food vendors at iba pang kalahok.

‎Mananatiling bukas ang night market extension araw-araw mula alas-4 ng hapon hanggang alas-12 ng hatinggabi hanggang Agosto 31.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *